Sunday, September 03, 2006

Secret! walang clue...

Bawa't isang tao eh may kanya-kanyang mga sikreto na tinatago pero kapag si San Miguel na ang nakatapat ay bigla na lang silang kakanta at aamin na may gumugulo o bumabagabag sa kanila, kaya dapat pinapainom muna ng alak yung mga testigo para magkaroon sila ng cancer sa atay nang sa ganun ay di na sila makapag-bigay ng "testimonya" sa friendster's court para atleast ay hindi garapal ang pagkamatay nila. Ewan ko kung bakit pero malakas ang impluwensya nila johnny, jack, alfonso, bloody mary, blow job, beer na beer, gold eagle beer, beermate saka si bear brand tas isama mo pa si red/white horse, black/blue/red label at syempre ang mortal na kaaway ng Ginebra San Miguel gin KINGS walang iba kungdi si "EMPERADOR." Kapag nakainom ka eh medyo malakas talaga ang loob mo na magsabi ng mga nasasaloob mo saka siguro malakas ang naging impluwensya ni "Labas" kasi panigurado kapag nagka-ayaan uminom eh dahil sa labas kayo umiinom kaya madaling maglabas ng mga sikreto, parang bahay kapag hindi mo siya nilinis eh nasa loob lang yung mga kalat pero kapag nilinis mo na eh nasa labas na yung mga kalat( Unless may basurahan kayo sa loob). Alam ko malayo yung example kong bahay sa istorya natin kasi gusto kong isikreto yung totoong example ko para may mag-aya sa aking uminom! "Biruin mo na ang lasing pati na ang bagong gising wag lang ang tadhana kasi hindi mo magugustuhan kapag ang tadhana ang bumiro sayo." ok ba?

Naghihintay lang ako ng taong magtatanong sa akin kung ano ang sikreto ko sa mga chicks pero sa tingin ko eh magaganap ang world war 1000 eh wala pa ring magtatanong. Pero kung sakali man may mag tanong eh ang isasagot ko ay "hindi ko pwedeng sabihin sayo kasi kapag sinabi ko yung sikret, eh hindi na ako magugustuhan nung mga chicks kasi sayo na sila mapupunta at sa mga pagsasabihan mo ng sikreto. Na gets nyo ba yung punto ko dun? Parang ganito lang yan, kapag magaling kang magluto or may mga recipe kang alam na konti lang ang may alam tapos may nagtanong sayo kung paano mo niluto yun syempre hindi mo sasabihin kasi kapag sinabi mo eh konti na lang ang masasarapan sa luto mo, kasi magagaya nila yung luto mo tapos minsan mas sasarap pa kung dadagdagan nila ng mga secret spices, tama ba? mali!

Napakaraming sikretong nakatago sa mundo natin na siguro hanggang sa ma dead shit tayo eh hinding hindi nating malalaman pero kung ka-vibes mo si bhoy ahbuhndah eh sihguradohng mahdahmi kahng mahlahlahmahn! Isipin mo ito, bakit yung yosi eh pinapayagang ibenta pero alam naman ng gobyerno na nakakamatay ito, may note pa nga sila sa mga commercial ng mga yosi na cigarette smoking is blah blah blah to your health tas isama mo pa ang mga lugar na tad tad ng "NO SMOKING" at isama mo pa yung mga kaha ng yosi dito sa England na palaging may print na "SMOKING KILLS" at "ROKEN IS DODELIJK FUMER TUE RAUCHEN IST TODLICH" na hindi ko alam ang ibig sabihin pero iyan ang naka print sa pirated kong sigarilyo ngyon. cool! Bukod sa yosi eh nakakapagtaka din yung mga kotse na ginagawa ngyon kasi isipin nyo pabilis ng pabilis ang mga kotse pero pababa ng pababa yung mga speed limits! Napakalaking katarantaduhan yun diba? kaya nga pinapabilis ang kotse para mabilis mo itong patakbuhin saka dapat magpetisyon yung mga car manufacturers na gawing super highway lahat ng mga kalsada para mabilis lagi ang takbo ng kotse nila..

Siguro matutuklasan mo lang lahat ng mga sikreto sa mundo kapag namatay kana kasi kapag namatay ka na eh kaluluwa ka na lang at kapag kaluluwa ka na lang eh pwede ka nang lumutang lutang sa daigdig kahit di ka na mag drugs eh lulutang lutang ka pa rin sa mundo at kapag ganun na ang nangyari eh madali mo nang mapapakinggan ang mga usap-usapan ng mga tao kaya kung ako sa inyo eh magpapakamatay na ako ngyon kung talagang 100% na tismoso at tsismosa kayo... Basta tandaan nyo na "never tell your secret to time co'z time will tell."

Saturday, March 11, 2006

Ang Pagbabalik

Matagal din ako nahinto sa pagsusulat sa blog sa kadahilanang wala akong maisip na maisulat o may naiisip din ako pero nawawala nga lang yung utak ko kaya di ko din trip i-post ito. Siguro ngyon masasabi ko nang ok na ako dahil sinisipag nanaman yung isip ko at gumagana nanaman yung utak ko. Minsan naisip ko tuloy na talaga ngang hanggang simula lang ako, tipong parang bata na excited lang sa bagong laruan tapos kapag sawa na eh i-tetrade naman sa panibago or ibabato sa magulang. Ang gusto ko talaga ngyon eh magsulat lang ng magsulat dito sa blog dahil gusto ko kapag namatay ako ang ilalagay ko sa lapida ko eh hindi yung pangalan ko kungdi yung http://thelauster.blogspot.com parang mas ok kasi yun pero ok din siguro yung "cellphone number" gaya ng sinabi nung bayaw ko, o "you are next" na sinabi ni joel na kapatid nung bayaw ko. Siguro kapag nakita ng mga tao yun mag-iisip sila at baka sakaling puntahan nila ang site na yun sa pamamagitan ng utak nila! Oo utak nila sa kadahilanang masamang damo ako at baka matagal pa akong mamatay at kapag namatay ako eh panahon na yun ng kinakabit na lang sa utak ng tao yung internet!

Tutal naman eh patayan na ang usapan natin eh doon na natin ituon ang kwento ko para sa inyo dahil lahat naman tayo doon papunta. Tandaan nyo pinanganak tayo para mamatay kung may tutol diyan eh tawag lang kayo kay God! Dati uso yung kapag may sinabi ka sa isang tao tapos ay hindi siya naniwala eh bigla niyang sinasabi na ows.. mamatay ka man? Ang sagot namin doon ay lahat naman tayo mamamatay eh, kaya kahit di totoo sinasabi namin ay oo lang ang sagot! kaya ngyon eh natuto na ang mga tao kaya ang tanong nila ngyon eh "ows.. mabaog ka man?" ok na tanong yun kasi di naman tayong lahat eh mababaog.

Isa ako sa mga taong natatakot ma deadshit kasi nga naman hindi mo alam yung pupuntahan mo, Para kang mag de-debut sa morph na hindi mo alam kung ano ang trip mo sa oras na yun. Kaya minsan naisip ko na siguro hindi pa ako ganun ka-lakas kay God! Buti pa nung bata ako naiisip ko lang na kapag namatay ako eh langit lupa impyerno im im impyerno lang ang naiisp ko. Alam nyo yun? Yung laro natin noon?(langit lupa). Minsan naiisip ko na parang hindi pa rin ako tumanda kasi madami pa rin akong tanong sa buhay na kailangang sagutin na parang bata na nag tatanong kung bakit di sila inimbita sa kasal ng mommy at daddy nila? (tinanong mo ba yun sa sarili mo nung bata ka pa? salbahe sila noh?) Mala X-files ang utak ko ngyon.. Daming naiisip pero sa totoo lang nawawala lang talaga yung utak ko na binigay ni Lord! Tama nawawala nga lang siguro ako sa mundong madaming tanong at madaming sagot na hindi mo alam kung sagot nga o para may maisagot lang.. Kaya ang payo ko lang sa inyo eh uminom ng tatlong kutsaritang laway ng pagod na pagod na kabayo sabay mag-isip ng malalim hanggang malunod kayo tapos magdasal sa "kanya" na sana maging ngyon na ang bukas! AT MANALO AKO SA LOTTO....

Friday, October 28, 2005

Screwed Driver

Nagka-inuman kami kagabi ng mga barkada ko todits. Habang nag-iinom ay biglang na pag-usapan yung tungkol sa left at right hand driving dahil sa lugar na ito ay right hand drive ang sinusunod nila, medyo mahirap sa una kasi nasanay ako sa lefthand drive kaya madalas eh naduduraan ko at natataktakan ng upos ng sigarilyo yung katabi ko.. Balik tayo sa usapan, nag tatalo sila kung ano ang mas-mahirap na side sa pagmamaneho kung kanan ba o kaliwa? Sa tingin ko eh depende yun kung kaliwete ka or kananete kaya ang sagot ko sa kanila dapat nilagay na lang sa "gitna" yung manibela para walang away at saka kung may kasama kang dalawang chicks eh ayos lang kasi makakatabi mo sila pareho. Tapos yung kambyo eh sa gitna ng hita mo, diba astig yun?? Hindi ata sila natuwa sa sagot ko kaya umuwi na lang ako at nag-isip at bumalik sa panahong nagda-drive pa ako sa pinas. Eto ang naisip ko...

Matagal-tagal na din akong nag-da-drive siguro mga 6 years na kaya madami na din akong pwedeng i-kwento sa inyo tungkol sa pag da-drive. Nga pala, marunong lang akong mag-drive pero bukod dun eh wala na ako alam pagdating sa sasakyan maliban sa alam kong hindi ito aandar kapag square ang mga gulong mo. Kuya ko ang nagturo sa aking magmaneho at yung iba ay lakas loob na lang or sa madali't sabi'y bahala na ang diyos ng mga intsik. Sa mga taong hindi marunong mag drive eh sasabihin ko na sa inyo ngyon na dapat nyong matutunan ang pag-da-drive kasi madaming bagay kayong pwedeng gawin habang nagmamaneho sa kalsada(lalo na sa manila). Ang mga sumusunod na stunts ay hindi pwedeng gawin sa mga taong bagong gising at mga taong nasa loob ng bahay..

May nakita akong nasiraang sasakyan sa tabi ng kalsada kaya ang ginawa ko ay binato ko sila ng lighter, sayang yung lighter dapat posporo na lang ang ginamit ko o kaya granada para mas ma-aksyon ang dating.. Bisperas ng bagong taon habang pina-park ko yung sasakyan sa garahe ay nasagasaan ko yung paa ng babae, hindi sya sumigaw kaya hindi ko alam na nagulungan ko na pala yung paa nya, makalipas ang 5 minuto ay may 5 pulis sa bahay namin at hinahanap yung driver nung sasakyan. Gusto kong tumakas kaso parang trip kong makulong nung araw na yun kaya pinuntahan ko yung babae, ang sabi niya eh ipagamot ko na lang daw siya kaya, hindi na ako nagdalawang isip kaya dinala ko siya sa mental hospital... Binangga ko yung street post sa filinvest, nasira yung bumper ko sa likod pero yung street post eh nakatayo pa rin(bato kasi) tama nga ang sabi nila na huwag kang mag-aalala kapag umaatras ka kasi kapag bumangga ka eh tutunog naman. Dalawang beses na din akong nahuli ng mga bata ni Bayani, 200 pesos din ang naibigay ko sa kanila. Ilang daang beses na din akong nasigawan at nanigaw, milyong beses na nag-beat ng redlight, dumaan sa oneway, nasiraan kasi walang tubig ang sasakyan(sabi sa inyo drive lang ang alam ko) nakatulog na din ako dahil trapik, naligaw, nawala, naligaw, nawala. Yan at madami pang hindi na maalalang istorya sa daan ang aking naranasan kaya kung marunong kayong mag-drive eh umpisahan nyo na...

Pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang dapat kong gawin kasi gusto kong bumili ng motorsiklo dito sa England at balak ko sanang dalhin diyan sa Pilipinas pag-uwi ko kaso nga lang baka hulihin ako ng mga pulis kasi "right hand drive" ang mga sasakyan dito.. sana matulungan nyo ako.. At isa pang malupit na tanong sa inyo, kung meron man kayong mabalitaan na dalawang motorsiklong nag head-on collision ay ipagbigay alam lang sa akin, dahil sa buong buhay ko yun ang balitang gustong gusto kong mabasa..

Tip: Huwag kayong papahuli ng buhay sa mga pulis..

Thursday, September 29, 2005

Birthday Present

Birthday ko ngyon! Oo alam ko once a year ay sine-celebrate ang birthday pero kung ganyan din ang iniisip nyo ay nagkakamali kayo kasi yung mga taong pinanganak ng Feb. 29 ay once every four years lang kung mag-celebrate ng birthday. Lugi sila kapag regalo ang pag-uusapan pero lamang sila kung edad kasi kung 23 na ako ngyon, sila ay 5 years old pa lang! Ayus diba? Pero halos lahat naman ng tao ay 5 years old kung mag-isip kaya pareho lang siguro.

Birthday ko ngyon! Siyempre kapag kaarawan mo dapat may birthday wish ka. Ang wish ko ay sana matuloy ang pasko kasi baka ma-postpone ngyon. hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko mapopostpone eh.. kaya sana matuloy! Saka sana maisapelikula yung buhay ko at ang gusto kong gumanap ay si rr hererra o kaya si ic mendoza siguro kapag natupad yun magiging masaya ang birthday ko. At ang huling wish ko ay sana matuwid na nila yung leaning tower of pisa tabingi kasi eh ang pangit tignan..

Birthday ko ngyon! Pero pumasok pa rin ako sa trabaho kasi sa sabado pa naman ang handa eh at yun daw kasi ang uso ngyon lagi dapat weekends ang handaan, sana merong taga-gawa ng date at araw para pwede kang mag request kung anong araw mo gustong tumapat yung birthday mo o kahit anong okasyon or holidays. halimbawa i-request mo na yung good friday na matapat sa 13th day of the month o kaya yung independence day gawin lunes para mahaba ang bakasyon! Alam ko na! pwede mo pala i-request kay gloria yan kaso palakasan dun dapat malakas ka sa kanya..

Birthday ko ngyon! Pero pumasok nga ako sa trabaho. anim na porter ang may sakit kulang kami sa tao yan ang regalo sa akin ngyong birthday ko, ang maghanap ng mga taong ko-cover sa mga may sakit! nakaupo dito sa opisina nag-iisa naghahanap ng mga tao pero walang makita wala na ring pag-asa pero masaya pa rin ako kasi birthday ko! Sana swertehin ako ngyon sana manalo ako sa lotto kahit na hindi ako tumataya o kaya sana manalo ako sa pustahan namin ni joel na kung sinong unang tamaan ng kidlat! Happy Birthday Lau.

Friday, September 23, 2005

God vs. Allah

Isang araw sa may luneta nagkita si God at Allah para mag-almusal at magkwentuhan tungkol sa mundo at mga nilalang.. ito ang napag-usapan nila:

GOD: Dre kamusta ka na?? anong balita? tagal na din tayong hindi nakakapag usap ah.. panay siguro ang pasyal mo sa megamall?

ALLAH: Ok lang ako tsong. di naman masyado kasi madaming "gamol" dun eh. hehehe! Busy ako ngyon sa bible studies kasi may nagsabi sa akin na ok daw yun at astig..

GOD: Panay nanaman ang soundtrip mo ng andrew e. noh? Siyempre ok yung bible studies kesa mag-drugs!

ALLAH: Maiba ako ano nga palang gusto mong kainin? Baka kasi isipin ni manang eh hindi tayo oorder.. yaan mo ako ang taya ngyon ililibre kita..

GOD: Hmmm.. tokwa't baboy sa akin at goto na madaming bawang at isaw ang laman..

ALLAH: Wow sarap naman nun tsong! ang trip ko ngyon ay yung ispageting bantot at 3 pisong pandesal at reno liver spread!

GOD: Huh! reno liver spread? hindi ba bawal sa inyo ang kumain ng liver ng baboy?

ALLAH: Ano ka ba naman, diba sabi ko reno? hindi naman baboy yung reno eh..

GOD: Ay oo nga pala! sorry tao lang! ay mali! Diyos pala!

ALLAH: Dre tama na biruan kasi mais ka na eh. Serious na tayo ngyon.

GOD: Sige promise! seryoso na.

ALLAH: Kamusta na pala yung mga tao mo? Bumait na ba sila?

GOD: Hindi pa rin dre, ewan ko ba kung bakit ganun sila ngyon? Ang lalakas mag-trip saka kakaiba na ang pagiisip nila parang nag uutak unggoy na sila ngyon, madalas kong naririnig sa kanila na palagi daw akong nawawala at kung kailan kailangan nila ako eh wala ako.. Oo dre aamin ko sayo adik ako sa larong "taguan pung" pero madalas naman eh sa likod lang ako ng taya nagtatago para makapag-save kaagad ako mahirap kasing maging taya dahil mahirap silang hanapin.. Pero ganun talaga ang buhay dre madalas hinahanap ang wala hindi nila binibigyan pansin kung anong meron sila ngyon hindi nila napapansin yung buhay na binibigay ko sa kanila araw-araw at ang mga pag-asang dala nito na kung tutuusin naman dre nasa kanilang kamay naman kung anong mangyayari sa kanila eh kaya nga binigyan ko sila ng "utak" para gamitin.. Pero anyway, ikaw? kamusta ka naman?

ALLAH: Ako eto steady lang.. yung mga bata ko medyo maiinit tsong, panay-panay ang pagbobomba nila ngyon di ko alam kung ano ang nasinghot nila at ang lalakas din mag trip. Pati nga mga sibilyan eh dinadamay at yung mga walang malay. Kaya nga nag-hire ako ng madaming anghel kasi kulang na sila sa pag-aaccomodate ng mga bagong patay pati nga mga demonyo eh pinag-aaply ko na din na maging anghel sa sobrang kakulangan ng mga ito..Ang sabi pa nila utos ko daw yun pero anak ng teteng tsong bakit ko naman ipag-uutos na pumatay ng tao? malaking kasalanan sa diyos yun diba?

GOD: Dre diyos ka!

ALLAH: Ay oo nga pala.. Malaking kasalanan sa akin yun! Pero ewan ko ba wala akong magawa kasi sila naman ang may isip eh saka kung minsan di ko din sila masisi dahil minsan siguro talagang sobra na yung pang-aaping ginawa sa kanila ng kapwa nila tao kaya ganun na lang siguro sila kung maghiganti..

GOD: May punto ka dun dre.. minsan kasi di alam ng mga tao ang epekto ng kanilang mga aksyon lalong-lalo na kung sa panggigipit at mga kasamaan sa kapawa nila tao ang ginagawa nila. ika nga sa ingles ay "no one knows the effect of their own cruelty" naks! ayos ba sa quotation?

ALLAH: Saan mo naman napulot yan?

GOD: Dun sa mga tambay sa kanto.. Matatalino pala yung mga yun!

ALLAH: Tsong sa tingin mo kailan kaya matatapos ang digmaan ng kristyano at mga muslim? kailanan mabubuksan ang isip ng mga tao na walang saysay ang mga ginagawa nila? kailan kaya mapapawi ang uhaw nila sa dugo? Kailan kaya mauubos ang armas nila ng paghihiganti? kailan kaya sila matututong irespeto ang bawat isa?

GOD: Di ko alam dre medyo mahirap ang tanong mo. pede 5 mins? at magiisip lang ako?

makaraan ang limang minuto....

GOD: May sagot na ako.. Siguro matatapos ang digmaan ng mga kristyano at mga muslim kung malalaman nila na tayo ay iisa lang na iisa lang ang layunin natin na iisa lang ang prinsipyo natin na iisa lang trip natin sa buhay na mahal na mahal natin sila kahit kristyano o muslim o kahit na ano pang relihyon sila kasapi at higit sa lahat kung malalaman nila na mag beastfreind tayo..

ALLAH: tsong mali ata yung ispeling mo ng bestfriend?

GOD: ah yun ba? kasi minsan may nakita akong naka-vandal sa pader sa may pasilyo sa ilaya, ang nakalagay ay "beastfreind thank you for your sofforting me" nakakaaliw lang gamitin..

ALLAH: Cool! dre, baka pala gusto mo humiram ng mga dvd? madami ako sa bahay

GOD: Hindi ba peke yung mga yun??

ALLAH: Hindi ah.. galing kay davide yun tsong kaya sureball na orig yun! saka baka magalit si kuya doods kapag bumili akong peke..

GOD: Dre saan mo gustong magpunta after nitong breakfast natin??

ALLAH: Gusto ko manood ng show ng porkchop duo, miss ko na kasi sila eh..

GOD: Sige tara lets bagets!

ALLAH: Okey kokey!

This post was inspired by one of the famous songs of Asin "Cotabato".. try to listen to it whilst reading this post.. "Peace be with you! And also with you!"

Wednesday, August 24, 2005

The Bystanders

Ikaw Sila Tayo Ang Mga Batang Ayaw Yumaman.. Ayan ang bago kong tatalakayin ngyon dahil minsan naging ganyan din ako, walang iba kung hindi ang mga ISTAMBAY! Pero kung iniisip ninyo na aasarin ko sila eh nagkakamali kayo dahil ngyong araw na ito ay bibigyan ko sila ng pugay at parangal sa kanilang magandang (oo maganda) kontribyusyon sa ating lipunan.. Madaming tulong ang nagagawa sa atin ng mga tambay sa kanto, sila ang nagbibigay kulay sa ating buong maghapon at lalo na sa gabi, sila ang mga magagandang dekorasyon na makikita natin sa bawat tindahan, plaza, iskinita at barbershop. Isipin nyo ang itsura ng mundo kung wala ang mga tambay? diba malungkot? maglalakad kayo sa kanto na tahimik at walang tao, hindi ba nakakatakot? Sino na lang ang magpapa-shot ng gin sa mga taong nauuhaw? Sino na lang ang magpupuno ng listahan ng tindahan? At higit sa lahat paano na ang mga pelikula ng mga idol kong action star kung wala sila?

Bukod pa sa mga nabanggit ko eh madami pang pakinabang ang mga tambay sa atin lalo na sa ating mga tangang motorista! Oo, malaki ang pakinabang nila dahil unang-una ay sila ang nagtuturo ng mga lugar sa mga nagtatanong na driver at kung mamalasin silang tumirik sa kalsada eh sino bang nagtutulak para lang umandar ang sasakyan nila? diba ang mga tambay? Kung may baha sa kalye sino ba ang kasama ng baranggay na mag organize ng "instant bridge" syempre yung mga taong walang ginagawa. Kapag may banggaan sa daan sino ba ang unang rumeresponde diba yung mga "bystanders"(bisayang istambay). Hindi lang sa mga driver nakakatulong ang mga tambay, malaki din ang tulong nila sa mga lespu dahil sila ang taga bigay ng tip sa mga ito kung nasaan si totoy padlock at kung saan ang mga ilegal na negosyo (kahit madalas ay scripted lang ito) at kung napapansin nyo, sino ba parati ang saksi sa mga krimen? diba ang mga istambay!? (Pero tandaan nyo kung ayaw lutasin ng pulis ang kaso hindi ito malulutas kahit may saksi pa..) Dahil 30 minutes late o 1 hour ang mga bumbero sila ang tumutulong na pumatay ng sunog at maghakot ng mga gamit (kahit minsan sa bahay nila diretso ang mga ito.) AT ang isa sa mga pinakaimportante sa lahat ay sino na lang ang kikilalaning amo ng mga asong kalye kung wala ang mga istambay.

Hindi lang yan ang mga tulong na naibibigay ng mga istambay kaya lang tinatamad na akong magisip pero magdadagdag pa ako ng konti(kasi baka magalit kayo) gaya nito; Sa mga fiesta, sila ang nagkakabit ng banderitas at taga ubos ng handa. Sa mga nadukutan, sila ang mga gumugulpi sa mga mandurukot! Kapag may nawawalang tao, sila ang nagtuturo ng lugar sa mga ito (o kung hindi man nila alam ay i-rerefer na lang sa eye 2 eye). Mga simpleng bagay na hindi natin napupuna at napapansin pero kung tutuusin eh hindi talaga kumpleto ang mundo natin kung wala sila. Madaming galit sa kanila dahil akala nila eh walang ginagawa ang mga tambay at yun lang ang nakikita ng mga taong galit sa mga ito. Masyadong maraming tao ang nakatuon sa kasamaang idinudulot ng pagiging tambay kaya nakakalimutan na nila yung kabutihan nito. Para kasing ang lumalabas eh, pinapakinggan lang nila ang gusto nilang pakinggan at yung mga ayaw nilang madinig ay balewala na. Hindi ko sinasabing magandang maging tambay, ang punto ko ay yung mga kabutihang idinudulot nila sa atin kaya sana naman wag na tayong maglagay ng karatulang "BAWAL ANG TAMBAY DITO"

Thursday, July 28, 2005

Promotion

Napromote ako sa trabaho! Oo sa maniwala kayo't sa hindi ay na-promote ako sa aking trabaho. Supervisor na ako ngyon(ala eh con bisor) pero kakaiba ang promotion ko kasi kailangang applayan ko pa yung position na yun at kailangan pa akong interbyuhin ni kuya bhoy abunda tungkol sa mahiwagang salamin at iba pang katarantaduhan. Ang isa sa mga tanong sa akin sa interbyu ay kung ano daw ang weakness ko? (Bukod sa babae) sabi ko hindi ako makatulog sa gabi! simple lang diba? kaya natawa yung panel tapos sabay sabi ko kapag hindi ako nakakatulog sa gabi ay malamang kinabukasan makapatay ako ng tao( na maaaring kasamahan ko sa trabaho) simpleng problema pero malupit ang kahihinatnan at patutunguhan. Naalala ko tuloy yung barkada kong kinagat lang ng langgam at pagkatapos ay namatay! Oo namatay siya kasi kinamot nya yung kagat at namaga ito kaya nagpunta siya ng ospital para magpa-check up kaso nga lang hindi sya umabot kasi nabagsakan sya ng asteroid na hinulaan ni Jojo Acuin na babagsak sa earth nung araw na yun. Ayun namatay ang gago!

Mabalik tayo sa promotion kasi ayun talaga ang ikwekwento ko sa inyo. Nagsimula ako sa bago kong posisyon nung linggo at sa di inaasahang pagkakataon ay nakahuli ako ng isang anomalya sa trabaho! Oo, nahuli ko ng di sinasadya yung isang kasamahan ko sa trabaho na naglalagay ng madaming oras na overtime sa timesheet nya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sinabi ko na lang sa ibang supervisor yung nakita ko kaya sila ang gumawa ng aksyon tungkol sa mahiwagang timesheet. Ang huli kong balita ay matatanggal sa trabaho yung taong gumawa nun dahil nasa itaas na ang kaso (saan kaya yung itaas?) ngyon may konting konsensya na bumabagabag sa isip ko na dapat ay wala kasi alam kong ginawa ko lang ang trabaho ko pero kahit papaano ay naaawa ako sa taong yun! Arab pa man din sya at muslim, naisip ko baka kapag nawalan sya ng trabaho ay maging "suicide bomber" na lang sya o kaya maging terorista. Naisip ko na pwedeng nung nakita ko yung mahiwagang timesheet ay tinapon ko na lang at kinausap ko sya na wag nang gagawin uli yun pero nataranta ako at sinabi sa iba (na kung tutuusin ay tama). Pero gayun pa man at least kapag naging suicide bomber sya ay mas malaki ang sweldo nya dun at di pa niya kailangan ng maraming overtime.

paalala:
may botohan palang nagaganap sa http://joelsmind.blogspot.com kung gusto nyo pang mabuhay ng matagal ay pumunta na kayo dun at bumoto kesa mag-drugs!