Saturday, May 14, 2005

Ang Kawawang Isda

May isang isda na nakakulong sa loob ng aquarium sa gitna ng karagatan. Ang kawawang isda ay hindi makawala sa kanyang piitan, kahit siguro si Mcgyver o houdini ay di makakatakas sa aquarium na yon! Nagkataon pa na "two way mirror"(yung parang sa motel) yung aquarium nya kaya nakikita nyang lumalangoy ng malaya ang mga isda sa karagatan pero hindi sya nakikita ng mga ito. kaawa-awang isda! Kahit anong gawin ng kawawang isda upang makalabas sa aquarium ay hindi umuubra kaya nagsimula na syang manghina at mawalan ng pagasa na makalabas. lumipas ang mga araw ngunit wala pa rin nangyari. Naghintay sya ng naghintay at umasa ng umasa na sana ay makalaya na sya pero wala pa rin nangyari at di naglaon ay namatay ang kawawang isda! hehehehe ay mali! huhuhuhu pala!

nakakalungkot isipin yung nangyari sa kawawang isda kasi isipin nyo kung kayo ang nasa kalagayan nya? andun na kayo pero may isang malahiganteng obstacle na nakaharang sa inyo at wala kayong magawa kundi ang umasa na sana ay bumagyo,lumindol o may bumagsak na asteroid upang masira yung buwisit na aquarium na iyon! Ang hirap kapag hindi nyo hawak yung kapalaran nyo o di nyo makontrol ang buhay nyo pero dahil tao tayo at asal isda nga lang hindi mangyayari sa atin yung nangyari sa kawawang isda! binigyan tayo ng Diyos ng utak upang mag-isip at magdesisyon at gumawa ng paraan upang mabuhay. Pero hindi ko alam kung bakit madami pa rin ang nagrereklamo at di nakukuntento, hindi ko maisip kung bakit sila nagka- ganun, hindi ko rin alam kung bakit ko naisip ito.. hindi ko na alam nawawala na ako hanggang dito na lang bago ako mabaliw..

"Use your brain so that you would be able to keep it."
-Abbie Hoffman-