Thursday, June 09, 2005

Eye To Eye

Nakakalungkot isipin na wala na ang programang eye to eye, kasabay ng pagkawala nito ay ang pag-asa ng mga tao na makitang muli ang mga nawawalang mahal nila sa buhay, paano na kaya sila? paano sila mahahanap? Siguro kahit ibalik ang naturang programa ay hindi na rin ito kasing saya nung dati dahil yumao na nga si Ms. Inday Badiday o Lourdes Jimenez Carvajal sa tunay na buhay. Sa tingin nyo kaya ay nagsabi sya ng "we'll be back, promise!" sa last episode ng eye to eye? Hindi kaya naging malandi si mahal ay dahil wala na si ate luds na nagpapangaral sa kanya? Nasan na kaya si IC Mendoza? pasensya na at maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko dahil wala nanaman magawa dito sa trabaho! nakakabato talaga ang pang-gabi at nakakatakot! sana busy si ate luds kasi baka sagutin nya ang mga tanong ko... hanggang dito na lang, paalam!!!

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Bading na bading na si IC Mendoza ngayon, sa katunayan naging guest sya sa extra challenge "Palengke Queen" episode hehehe..

12:45 AM PDT  
Anonymous Anonymous said...

tingin ko ok lang na ibalik yung eye to eye, basta c inday garutay at amay bisaya ang host. tapos imbis na hanapin nila yung mga nawawala, itatago nila tapos unahang makahanap, syempre may premyo (kung intsik itatago nila mas malaki premyo). tsaka may part sa show na huhulaan mo kung kaninong mata yung ipapakita nila, premyo isang milyon kaya lang nakashades

8:12 PM PDT  

Post a Comment

<< Home