Monday, June 06, 2005

Rollercoster

Mahigit isang taon na ako dito sa England pero last week lang nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko dahil nakasakay ako sa pinaka magandang rollercoster na nasakyan ko sa buong buhay ko! Ang sarap sumakay kasi parang pinoy driver ang nag-ooperate nung rollercoster na yun.. May tatlong "drops" sya na almost vertical ang pagbagsak mo at may tatlong loops. Parang hindi ka bubuhayin ng rollercoster na yun kaya nagdalawang isip akong sumakay, nakita ko lang yung batang maliit na sasakay kaya na-inspired ako. May warning dun na bawal sumakay ang may sakit sa puso kaya siguro walang umuulit sumakay kasi pagbaba nila dun 100% magkakasakit sila sa puso o kung hindi man diretso sila sa cr para magpalit ng damit na nasukahan ng kung sino man. Minsan ganun kasaklap ang buhay dahil hindi mo alam kung sino ang sumuka sa damit mo.. Ang sarap nung pakiramdam pagkatapos kong sakyan yung rollercoster na yun, para akong pinanganak uli! born against ika nga! pero di na ako umulit kasi inabot ako ng dalawang oras sa pila bago ako makasakay. 2 oras akong nagdasal!

Bukod pa sa mga rides eh may kasamang manila zoo yung theme park na yun, madami kang makikitang iba't ibang hayop gaya nung isang ibon na kung tawagin ay flamingo na nakakamangha kasi natutulog sya ng nakatayo at isang paa lang ang gamit, hindi mo sya pwedeng gawan ng joke na gaya ng "paano natutulog ang kuba?" kasi may sagot na matino bukod sa nakapikit ito.. Tinanong ko yung isang staff dun kung bakit natutulog sya ng isang paa? sabi nya "para mapahinga yung kabilang paa nya at kapag nangawit na yung isa, gagamitin nya yung nakapahingang paa nya" ang sagot sa akin. Ang sabi ko: "eh bakit di na lang sya lumipad habang natutulog para parehong paa nya ang nakapahinga" napakamot yung staff at sumama ang tingin niya sa akin kaya lumayo na lang ako bago pa siya tumawag ng pulis.

Naikwento ko sa mga kaibigan kong "english boys" yung nasakyan kong rollercoster ang sabi nila pang 7 years old na bata lang daw yun. kailangan ko daw masakyan yung pang matandang rollercoster na may "8 loops" at naka-hang ang mga paa mo! wow! astig! at sabi nila kung gusto ko daw ng mas bigtime na rollercoster eh punta daw ako sa disneyland florida o baghdad, iraq kasi habang nakasakay ka sa rollercoster eh may fireworks display at may balang humahabol sayo! mas thrilling.. cool!

pakiusap: walang magkokoment ng wala ka sa lolo ko style!

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

dude naranasan ko rin ung feeling na nasusuka pero di sa roller coaster... nung bumiyahe kaming edsa ng walang aircon parang nakasakay na rin ako sa may 8 loops. - www.livejournal.com/users/kites182

12:13 AM PDT  
Anonymous Anonymous said...

sumakay ako sa roller coaster kanina, yun sana gagamitin ko pagpasok dito sa opisina, kaya lang nadurog e.

8:18 PM PDT  

Post a Comment

<< Home