Oras na

Kailan lang ay umuwi ako ng Pilipinas, masaya kasi balik nanaman ako sa dati, dati as in dati! 4 hours lang ako natutulog araw-araw para mamaximize ang time.. di pa kasi naipapasa yung bill na pinadala ko sa heaven last year na nagpapahintulot sa atin na magdagdag ng karagdagang 5 oras sa isang araw( "The time space warp law") bali 29 ang magiging total hours natin sa isang buong araw! cool diba?? Kasi isipin nyo kung matutulog tayo ng 8 hours may matitirang 21 hours na alive tayo! ang saya nun! 21 hours kang gising! madami kang pwedeng gawin sa 21 hours kung ikukumpara mo sa 16 o mas mababa pa kung antukin ka! Malaki ang epekto nito sa ekonomiya natin kasi madaming tao ang magkakaroon ng trabaho kasi 21 hours bukas ang mga malls, shops, mrt, restaurants, factories, offices at kung ano ano pang klase ng mga business (medyo lugi nga lang sina 7-11, ministop, wendy's at cora's tapsilog dahil magpapalit sila ng billboard, magiging we're open 29 hours) Bukod pa sa mga yan ay malaking bagay din ito para sa mga estudyante dahil madami ang makakapagpasa ng mga projects, thesis, notebooks at take home exams on time at higit sa lahat mas mahaba ang oras nila para makakopya! cool! Di na rin masyadong magkakatrapik dahil hindi na magmamadaling umuwi ang mga tao. Kung uuwi sila ng 5pm pwede pa silang gumimik hanggang 3am dahil my extra 5 hours nga diba? hehehehe! saka lahat ng magagandang palabas sa tv ay mapapanood mo palagi dahil may extrang oras ka. Pwede kang kumain ng madami sa gabi na hindi natatakot na baka bangungutin dahil may extrang oras ka para pababain ang kinain mo. Pero syempre may mga bad effects din kung hahabaan nga ang oras natin.. una sa lahat ay yung mga naglalamay sa patay! kawawa naman sila dahil 29 hours silang gising sa loob ng 1 week( 2-4 weeks kung may pasakla) mapupudpod na ang kamay nila kakabalasa ng baraha at baka maubusan tayo ng stock ng asukal, kape, biscuit etc. at saka baka magamok ang mga taong may insomia dahil "29 HOURS SILANG GISING" shit! ang hirap nga naman nun.. Masarap isipin na may karagdagang oras tayo sa isang araw kasi para sa akin bitin talaga ang 24 oras pero di ko na ipapaliwanag pa sa inyo kung bakit dahil baka magalit sa akin ang GMA 7 at si Mike Enriquez dahil baka matanggal sa ere ang alerto bente kwatro... pero bago ko tapusin ang istorya ko iiwan ko kayo ng isang napakagandang quotation, "Don't tell your secret to time co'z time will tell"


0 Comments:
Post a Comment
<< Home