Wednesday, August 24, 2005

The Bystanders

Ikaw Sila Tayo Ang Mga Batang Ayaw Yumaman.. Ayan ang bago kong tatalakayin ngyon dahil minsan naging ganyan din ako, walang iba kung hindi ang mga ISTAMBAY! Pero kung iniisip ninyo na aasarin ko sila eh nagkakamali kayo dahil ngyong araw na ito ay bibigyan ko sila ng pugay at parangal sa kanilang magandang (oo maganda) kontribyusyon sa ating lipunan.. Madaming tulong ang nagagawa sa atin ng mga tambay sa kanto, sila ang nagbibigay kulay sa ating buong maghapon at lalo na sa gabi, sila ang mga magagandang dekorasyon na makikita natin sa bawat tindahan, plaza, iskinita at barbershop. Isipin nyo ang itsura ng mundo kung wala ang mga tambay? diba malungkot? maglalakad kayo sa kanto na tahimik at walang tao, hindi ba nakakatakot? Sino na lang ang magpapa-shot ng gin sa mga taong nauuhaw? Sino na lang ang magpupuno ng listahan ng tindahan? At higit sa lahat paano na ang mga pelikula ng mga idol kong action star kung wala sila?

Bukod pa sa mga nabanggit ko eh madami pang pakinabang ang mga tambay sa atin lalo na sa ating mga tangang motorista! Oo, malaki ang pakinabang nila dahil unang-una ay sila ang nagtuturo ng mga lugar sa mga nagtatanong na driver at kung mamalasin silang tumirik sa kalsada eh sino bang nagtutulak para lang umandar ang sasakyan nila? diba ang mga tambay? Kung may baha sa kalye sino ba ang kasama ng baranggay na mag organize ng "instant bridge" syempre yung mga taong walang ginagawa. Kapag may banggaan sa daan sino ba ang unang rumeresponde diba yung mga "bystanders"(bisayang istambay). Hindi lang sa mga driver nakakatulong ang mga tambay, malaki din ang tulong nila sa mga lespu dahil sila ang taga bigay ng tip sa mga ito kung nasaan si totoy padlock at kung saan ang mga ilegal na negosyo (kahit madalas ay scripted lang ito) at kung napapansin nyo, sino ba parati ang saksi sa mga krimen? diba ang mga istambay!? (Pero tandaan nyo kung ayaw lutasin ng pulis ang kaso hindi ito malulutas kahit may saksi pa..) Dahil 30 minutes late o 1 hour ang mga bumbero sila ang tumutulong na pumatay ng sunog at maghakot ng mga gamit (kahit minsan sa bahay nila diretso ang mga ito.) AT ang isa sa mga pinakaimportante sa lahat ay sino na lang ang kikilalaning amo ng mga asong kalye kung wala ang mga istambay.

Hindi lang yan ang mga tulong na naibibigay ng mga istambay kaya lang tinatamad na akong magisip pero magdadagdag pa ako ng konti(kasi baka magalit kayo) gaya nito; Sa mga fiesta, sila ang nagkakabit ng banderitas at taga ubos ng handa. Sa mga nadukutan, sila ang mga gumugulpi sa mga mandurukot! Kapag may nawawalang tao, sila ang nagtuturo ng lugar sa mga ito (o kung hindi man nila alam ay i-rerefer na lang sa eye 2 eye). Mga simpleng bagay na hindi natin napupuna at napapansin pero kung tutuusin eh hindi talaga kumpleto ang mundo natin kung wala sila. Madaming galit sa kanila dahil akala nila eh walang ginagawa ang mga tambay at yun lang ang nakikita ng mga taong galit sa mga ito. Masyadong maraming tao ang nakatuon sa kasamaang idinudulot ng pagiging tambay kaya nakakalimutan na nila yung kabutihan nito. Para kasing ang lumalabas eh, pinapakinggan lang nila ang gusto nilang pakinggan at yung mga ayaw nilang madinig ay balewala na. Hindi ko sinasabing magandang maging tambay, ang punto ko ay yung mga kabutihang idinudulot nila sa atin kaya sana naman wag na tayong maglagay ng karatulang "BAWAL ANG TAMBAY DITO"

3 Comments:

Anonymous Anonymous said...

astig pare hahaha! ako yung tipo na nasa labas ng tindahan na tambay hehehe... sabay tanong sa bumibili.... "naglo-load ako ng smart"... hehehe...

10:15 PM PDT  
Anonymous Anonymous said...

astig pare hahaha! ako yung tipo na nasa labas ng tindahan na tambay hehehe... sabay tanong sa bumibili.... "naglo-load ako ng smart"... hehehe... -kites182

10:15 PM PDT  
Blogger shadowlane said...

hehehe ayos to, ah!

10:59 PM PDT  

Post a Comment

<< Home