Friday, October 28, 2005

Screwed Driver

Nagka-inuman kami kagabi ng mga barkada ko todits. Habang nag-iinom ay biglang na pag-usapan yung tungkol sa left at right hand driving dahil sa lugar na ito ay right hand drive ang sinusunod nila, medyo mahirap sa una kasi nasanay ako sa lefthand drive kaya madalas eh naduduraan ko at natataktakan ng upos ng sigarilyo yung katabi ko.. Balik tayo sa usapan, nag tatalo sila kung ano ang mas-mahirap na side sa pagmamaneho kung kanan ba o kaliwa? Sa tingin ko eh depende yun kung kaliwete ka or kananete kaya ang sagot ko sa kanila dapat nilagay na lang sa "gitna" yung manibela para walang away at saka kung may kasama kang dalawang chicks eh ayos lang kasi makakatabi mo sila pareho. Tapos yung kambyo eh sa gitna ng hita mo, diba astig yun?? Hindi ata sila natuwa sa sagot ko kaya umuwi na lang ako at nag-isip at bumalik sa panahong nagda-drive pa ako sa pinas. Eto ang naisip ko...

Matagal-tagal na din akong nag-da-drive siguro mga 6 years na kaya madami na din akong pwedeng i-kwento sa inyo tungkol sa pag da-drive. Nga pala, marunong lang akong mag-drive pero bukod dun eh wala na ako alam pagdating sa sasakyan maliban sa alam kong hindi ito aandar kapag square ang mga gulong mo. Kuya ko ang nagturo sa aking magmaneho at yung iba ay lakas loob na lang or sa madali't sabi'y bahala na ang diyos ng mga intsik. Sa mga taong hindi marunong mag drive eh sasabihin ko na sa inyo ngyon na dapat nyong matutunan ang pag-da-drive kasi madaming bagay kayong pwedeng gawin habang nagmamaneho sa kalsada(lalo na sa manila). Ang mga sumusunod na stunts ay hindi pwedeng gawin sa mga taong bagong gising at mga taong nasa loob ng bahay..

May nakita akong nasiraang sasakyan sa tabi ng kalsada kaya ang ginawa ko ay binato ko sila ng lighter, sayang yung lighter dapat posporo na lang ang ginamit ko o kaya granada para mas ma-aksyon ang dating.. Bisperas ng bagong taon habang pina-park ko yung sasakyan sa garahe ay nasagasaan ko yung paa ng babae, hindi sya sumigaw kaya hindi ko alam na nagulungan ko na pala yung paa nya, makalipas ang 5 minuto ay may 5 pulis sa bahay namin at hinahanap yung driver nung sasakyan. Gusto kong tumakas kaso parang trip kong makulong nung araw na yun kaya pinuntahan ko yung babae, ang sabi niya eh ipagamot ko na lang daw siya kaya, hindi na ako nagdalawang isip kaya dinala ko siya sa mental hospital... Binangga ko yung street post sa filinvest, nasira yung bumper ko sa likod pero yung street post eh nakatayo pa rin(bato kasi) tama nga ang sabi nila na huwag kang mag-aalala kapag umaatras ka kasi kapag bumangga ka eh tutunog naman. Dalawang beses na din akong nahuli ng mga bata ni Bayani, 200 pesos din ang naibigay ko sa kanila. Ilang daang beses na din akong nasigawan at nanigaw, milyong beses na nag-beat ng redlight, dumaan sa oneway, nasiraan kasi walang tubig ang sasakyan(sabi sa inyo drive lang ang alam ko) nakatulog na din ako dahil trapik, naligaw, nawala, naligaw, nawala. Yan at madami pang hindi na maalalang istorya sa daan ang aking naranasan kaya kung marunong kayong mag-drive eh umpisahan nyo na...

Pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang dapat kong gawin kasi gusto kong bumili ng motorsiklo dito sa England at balak ko sanang dalhin diyan sa Pilipinas pag-uwi ko kaso nga lang baka hulihin ako ng mga pulis kasi "right hand drive" ang mga sasakyan dito.. sana matulungan nyo ako.. At isa pang malupit na tanong sa inyo, kung meron man kayong mabalitaan na dalawang motorsiklong nag head-on collision ay ipagbigay alam lang sa akin, dahil sa buong buhay ko yun ang balitang gustong gusto kong mabasa..

Tip: Huwag kayong papahuli ng buhay sa mga pulis..

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

marunong akong mag-drive kaya lang nakalimutan ko na mula nung pinag-aralan ko yung "reverse" nakalimutan ko lahat, pati yung kurso ko na psychology nung nag aral ako ng reverse psychology nakalimutan ko lahat. hayop na pag dadrive yan sinira ang buhay ko. hehehe

4:43 PM PST  
Anonymous Anonymous said...

okay lang yan lau ako nga alam ko lang idrive e yung nilalaglagan ng sais pesos na arcade tapos kahit ilang beses bumaliktad yung sasakyan e tatayo pa rin >>> wag lang mauubos yung oras>>>
-kites

5:27 AM PST  

Post a Comment

<< Home