Monday, May 16, 2005

The New Religion

Tandaan nyo ang araw na ito! Oo tandaan nyo dahil ngyon ko itatatag ang bago kong religion. Pwedeng hindi na sya bago sa pandinig nyo pero wala pa naman akong nabalitaang nagtayo ng pormal na religion na sumasamba sa pera! Oo pera, sasambahin natin ng pormal ang pera.. Sigurado akong madami sasali dito, pero ok lang dahil madami naman akong chapels! Oo magiging chapels na ang mga banko at ang mga main branch nila ay magiging cathedral at ang magiging meccah natin ay ang "World Bank" lahat ng members ay doon pupunta tuwing 13th month pay (lubi-lubi pay..) Ang araw ng pagsamba natin ay dalawang beses sa isang buwan, tuwing kinsenas at katapusan! Ok ba? Nag isip ako ng mga taong posibleng maging patron saint natin at ito ang mga pangalang pumasok sa isip ko.. si St. Bill Gates of microsoft, St. Lucio Tan, St. Jaime Zobel de Noli Eala of PBA at si Drug Lord! Ayan ang mga santong tatawagin natin kapag nauubusan na tayo ng pera. Ang mga magiging pari naman natin ay yung mga branch manager ng mga banko at magiging bishop yung mga ceo nila( sa kanila kayo mangungumpisal kung magkano ang laman ng passbook nyo) Meron din tayong magiging Pope! Si Pope Carmelo Uy! sino sya? siya yung Lay minister ng skul ko nung elementary! malupit at matikas yang taong yan.. saka magaling mangolekta ng abuloy sa simbahan!

Madali lang sumapi sa religion na ito. Una sa lahat ay dapat may "show money ka" Dapat na patunayan mo na mukha kang pera at amoy pera ka na kasing amoy ng pera na nanggaling sa palengke ng divisoria! Mahilig ka din dapat magshopping at gumastos upang maging miyembro at ang pinaka importante sa lahat ay meron ka dapat "100 dollar calendar" na nakasabit sa dingding ng bahay nyo at kasama sa print ang apelyido ng angkan nyo! Itatakwil sa bago kong religion yung mga taong literal na nagtatapon ng pera! yung mga taong nambabato ng piso sa daan at mga nananakawan(pero pasok yung mga magnanakaw), bawal din maglagay ng limang sentimo sa tenga! Hindi rin pwede yung mga taong may checking account at yung may maladambuhalang checke na napapanalunan sa mga game show na gaya ng kwarta o kahon (baka kasi tumalbog ang cheke) Pwedeng magsugal pero bawal kang matalo! may kakilala kasi akong naging milyonaryo sa sugal eh! (dati syang bilyonaryo) Magiging national hobby natin ang pagtaya sa sugal at pagsali sa mga gameshow na nagpapamigay ng mga limpak limpak na salapi! Ang mga ibang ipagbabawal at mga ipapatupad na batas ay pag-uusapan pa sa darating na " 1st arep conference" na gaganapin sa Banko Sentral ng Pilipinas.

Kung may mga katanungan at kuro-kuro sa aking bagong tatag na religion ay ipaalam lang sa akin o mag iwan lang ng message sa comment ng post ko na ito. basta laging tandaan na "huwag magwawalis sa gabi" at laging "magkamot ng palad" upang gumaan ang pasok ng pera"
"money alone can set the world in motion" Hanggang sa muli! Paalam!