Friday, May 13, 2005

Problem Solving

Noong unang panahon madaming "solusyon" na nagkalat sa mundo. Mapayapang namumuhay ang mga tao sa kanilang mga kweba at hindi pa uso ang cellphone kaya wala pang magnanakaw ng cellphone! Sa sobrang dami ng mga solusyon ay di na nakayanan ng mga tao ang pagdami nito at nabaliw sila kaya "naisipan" nilang gumawa ng "problema." Dati kasi mayaman ang mundo sa mga likas na yaman at hindi pa uso ang drugs(yung chemical lang ha), walang tv at cable tv, radio, sundalo, pulis at alalay ng pulis, mmda, trapik, kuryente at kolektor nito, USA at pangulo nito, beerhouse, baril, nuclear weapons, anthrax, extacy at extano, aids, at higit sa lahat pera. Siguro kung mawawala lahat ng iyan(wag lang yung beerhouse) malamang maging payapa ulit ang mundo natin..

Sa ngyon madami nang problema sa mundo at baliw pa rin ang mga tao kaya nahihirapan silang gumawa ng mga paraan upang maresolba ang mga problema, pero para sa kagaya ko na may utak ng isang henyo simple lang ang pag solve ng mga problema natin basta wag lang tungkol sa math at love! hehehe! Sa pagmumuni-muni ko ay nakaisip ako ng mga solusyon sa mga problema na hinaharap natin sa pang araw-araw. Ito ay mga ilan sa naisip ko:

1. Aksidente sa daan- maglagay ng humps every 100 meters, sa ganitong paraan ay maglalaho ang mga drivers na allergic sa preno.

2. Adik- sabi nila mahal daw ang drug testing kit kaya nakaisip ako ng alternative na drug tester.. isang pack ng sky flakes! Simple lang ang gagawin, ipakain lang sa kahit sinong tao na makikitang pakalat kalat sa daan ang buong isang pakete at kapag nanghingi ng tubig ay arestuhin agad! adik yun! hehehehe.

3. Drug Lords- wag sambahin!

4. Pusher- i pull out

5. Trapik- edi tanggalin lahat ng sasakyan! kung walang sasakyan, walang trapik! tapos..

6. Baha- visit joelsmind.blogspot.com nandun ang solusyon sa baha..

7.Tubig- once a day lang i flush ang toilet, i recycle ang tubig.. sahurin ang pinampaligong tubig at gamitin sa paglalaba at pagkatapos maglaba gamitin sa paghuhugas ng pinggan at pagkatapos hugasan ang pinggan ipampaligo sa aso ang tubig.. o di walang nasayang!

8. Basura- itapon sa may karatulang "bawal magtapon dito" yun kasi ang madalas na kinokolekta ng mga basurero, kapag iniwan nyo sa tapat ng bahay nyo baka mabulok lang... o kaya itapon sa buwan kung madami kang pera..

9. Giyera- tanggalin lahat ng sundalo, kung walang sundalo walang giyera..

10. Krimen- dapat lahat ng tao gawing pulis, kaya lang may krimen kasi walang pulis.. saka kung masosolve yung problem 2,3 & 4 malamang mawala ang 90% ng krimen.

11. Pulis- mag hire ng mga kriminal!

12. Adik sa Play Station 2- dalhin sa loob ng rehab na family computer lang ang malalaro!

13. Trabaho- nasa post ko na may title na "ORAS NA" ang sagot sa problema sa trabaho..

14. Pera- edi magtrabaho ka!

15. Kapag nahuli kang nakikipag sex- sabihin mo "kesa naman mag drugs"

16.Kapag nahuli kang nagdu-drugs- "kesa naman makipag sex"

17. Inaapi- isumbong kay tulfo

Tinamad na akong magisip ng solusyon sa mga problema kay yan lang ang naisulat ko.. Saka alam ko naman na lahat ng problema ay may katapat na solusyon o kung hindi man ay lilipas din ito. "Life is not a problem to solve but a gift to enjoy"